Published On: Wed, Jul 25th, 2012

Pagdiriwang ng Ika-8 Anibersaryo ng UNTV, Inulan ng Serbisyo Publiko

Ang libreng medical check up at pamimigay ng libreng gamot sa Medical Mission sa Bangoy Central Elem. School, Sasa, Davao City sa pagdiriwang ng ikawalong taon ng UNTV. (PHOTOVILLE International / Ritchie Tongo)

LUZON – Daan-daan ang natulungan ng iba’t ibang public service ng UNTV sa Luzon, Visayas at Mindanao bilang pagdiriwang sa Ika-8 anibersaryo nito.

Aabot sa 100 Kapampangan ang napaglingkuran ng bagong bukas na Clinic ni Kuya (CNK) sa Sindalan, San Fernando, Pampanga. Kabilang sa mga libreng serbisyo ng CNK ang general check up, dental, pediatric, at optometric.

Sa Labo, Camarines Norte, nagkaloob ang UNTV ng isang  istatwa ni Gat Jose Rizal sa E. Obmaña Elementary School para mapaalalahan ang mga kabataan sa mga nagawa ng ating Pambansang Bayani.

Bukod dito, ipinagkaloob din sa paaralan ang 2 computer set para makasabay ang mga mag-aaral sa paglago ng teknolohiya.

Libreng bunot ng ngipin (PHOTOVILLE International / Ritchie Tongo)

VISAYAS – Sa Mandaue City, Cebu, nagsagawa ng cleanup drive sa Barangay Casuntingan ang UNTV katuwang ang grupong Ang Dating Daan upang mapuksa ang mga posibleng pamahayan ng dengue-carrying mosquitoes. Kasabay din nito ang medical at dental mission sa Brgy. Parian.

Bukod dito, inilunsad din ang Libreng Sakay sa ferry boat para kay lolo at lola mula sa pantalan ng Cebu patungong Lapu-Lapu City.

Iba’t ibang public service rin ang isinagawa ng UNTV sa lalawigan ng Negros Occidental sa Visayas gaya ng cleanup drive na isinagawa sa Talisay City.

Mahigit 2,000 punongkahoy naman ang itinanim sa San Carlos City.

Isang medical mission naman ang isinagawa sa Bacolod City habang sa Iloilo City naman… inilunsad ang libreng sakay sa pumpboat para sa mga senior citizen na papuntang Jordan sa Guimaras.

Libreng gupit (PHOTOVILLE International / Ritchie Tongo)

MINDANAO – Daan-daang residente rin sa Mindanao ang natulungan sa mga libreng serbisyong isinagawa ng UNTV bilang pagdiriwang sa ika-walong anibersaryo nito.

Magkasabay na medical at dental mission ang handog sa F. Bangoy Central Elementary School sa Davao City.

Libreng sakay sa multicab naman ang handog sa mga taga Cotabato City.

Libreng sakay, libreng gupit at medical and dental mission ang handog sa mga mahihirap nating kababayan sa Butuan City. (UNTV News)

Nakiisa rin sa pagdiriwang ng ikawalong taon ng UNTV ang Armed Forces of th Philippines sa pamamagitan kanilanf mga army doctors. (PHOTOVILLE International / Ritchie Tongo)

  • http://www.facebook.com/juancarlosgodoy Juan Carlos

    “Hindi kami nagdaramdam kung mahuli kami sa balita, basta mauna kami na matulungan ang ating mga kapwa tao,”

    Kuya Daniel