Pagdinig ng Senado sa Sin Tax Bill, Sisimulan na sa Susunod na Linggo
Manila, Philippines – Sisimulan na ng Senado sa susunod na linggo ang pagdinig sa Sin Tax Bill o ang panukalang dagdagan ang buwis sa mga produktong alak at sigarilyo.
Ayon kay Senador Ralph Recto, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, sa darating na Huwebes, Agosto 9, uumpisahan na ang pagdinig dito.
Nitong hunyo, pinagtibay ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang nasabing bill.
Positibo rin si Recto na aaprubahan ng Senado ang nasabing panukalang batas bago matapos ang taon.
Sinasabing marami ang makikinabang ‘di lamang ang pamahalaan kundi maging ang taumbayan kapag naipasa ang sin tax bill.
Bukod sa marami ang makaiiwas sa pagkakasakit, mababawasan rin ang maninigarilyo at iinom ng alak dahil magmamahal ang nasabing mga produkto. Inaasahan ring kikita ng mahigit sa P30 Billion ang pamahalaan sa tax na makokolekta sa alak at sigarilyo. (Bryan De Paz/Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments