P47 Million Smuggled Rhino Horns, Nasabat ng Bureau of Customs

Si Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon kasama si Deputy Commissioner for Intelligence Danny Lim at ibang mga officials ng BOC sa pagkakakasabat ng mga rhinoceros horns na itinuturing na illegal shipment dahil sa pagiging endangered species ng mga naturang hayop. (UNTV News)
MANILA, Philippines — Sa pangunguna ng intelligence group ng Bureau of Customs (BOC), nahuli ang tangkang pagpupuslit ng rhino horns na isinama sa isang container van na puno ng buto ng kasoy mula sa isang kumpanya sa Africa.
Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, ito ang unang pagkakataon na nakasabat sila ng ganitong uri ng kargamento.
“This is about 133 dollars per gram, kaya kahit maliit lang ang quantity nito dun naman sa value niya ay napakataas,”
“This is a highly traded illegal transaction pero marami talagang naghahanap ng ganitong produkto to be used for various purposes.”
Sa pagtaya ng ahensya, nasa 13 kilos ang bigat ng smuggled rhino horns na kadalasang ginagawang exotic ornaments at gamot sa ilang bansa sa Asya bilang pangontra sa cancer at malaria.
Ayon pa sa BOC, hindi nagfile ng entry sa kanilang consignee at customs broker ang African company kaya agad isinailalim ng Customs intelligence group sa pagsisiyasat ang mga kargamento.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines (TCCP) at Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora (CITES) ang naturang African company na Chisteva Import and Export.
“Sa ngayon marahil kailangan makipagtulungan tayo sa source country magpatulong sa international agencies like INTERPOL para matukoy talaga kung sino ang kakasuhan pa, at gawing mas malawak ang imbestigasyon. Eventually matutukoy natin kung sino yung mga kasabwat dito,” pahayag ni Intelligence Group Deputy Commissioner Danilo Lim. (Francis Rivera/Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments