Published On: Wed, Jan 30th, 2013

P316-M Textile Products at Pekeng Food Seasoning, Nasabat sa Maynila

Ang nakumpiskang mga textile products ng Bureau of Customs kamakailan. (UNTV News)

Ang nakumpiskang mga textile products ng Bureau of Customs kamakailan. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang 40-foot container van na naglalaman ng mga smuggled na tela at food seasoning.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, galing sa China at Thailand ang naturang container van at sinubukang ipuslit sa Manila International Container Port.

Aabot sa mahigit tatlong daang milyong piso ang halaga ng mga nakumpiskang kontrabando.

Consignee ng mga ito ang kumpanyang Trio A-V Trading mula sa Thailand habang ang pekeng seasoning ay mula sa China.

Inihahanda na ng BOC ang paghahain ng kaukulang kaso laban sa mga consignee. (Francis Rivera & Ruth Navales, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>