P1.2-B PNP Gun Deal, Nilagdaan na
MANILA, Philippines – Nilagdaan na ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Nicanor Bartolome ang kontrata sa pagbili sa 60,000 glock pistol.
Ang gun deal sa Trust Trade-Glock Asia Company ay nagkakahalaga ng mahigit isang bilyong piso.
Ayon kay Bartolome, kinonsulta muna niya ang PNP legal service bago nilagdaan ang kontrata.
Samantala, ipinahayag rin ni Bartolome na muli silang magsasagawa ng bidding para naman sa pagbili ng assault rifle ng PNP.
Magugunitang hindi natuloy ang naunang planong pagbili ng mga assault rifles dahil sa overpricing controversy. (UNTV News)















Recent Comments