Published On: Thu, Jan 24th, 2013

OFW na Nag-post sa Facebook ng Larawan na may mga Pasa at Bukol dahil sa Pananakit ng Amo, Nailigtas sa Kuwait

Ang OFW na si Amy Jean Ligad na nag-post sa Facebok ng kanyang nabugbog na mukha na naging daan upang siya ay matulungan ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait. (UNTV News)

Ang OFW na si Amy Jean Ligad na nag-post sa Facebok ng kanyang nabugbog na mukha na naging daan upang siya ay matulungan ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait. (UNTV News)

KUWAIT — Isang Filipino domestic helper na hinihinalang biktima ng pang-aabuso ang nailigtas ng Philippine Embassy sa Kuwait.

Na-rescue ang OFW matapos itong mag-post sa Facebook ng mga larawan ng kanyang namamagang mukha, mga pasa at bukol sa katawan na mula umano sa pananakit ng kanyang among babae at lalaki.

Ikinukulong din umano siya sa loob ng bahay at laging sinasaktan.

Ayon kay Daligdig Tanandato, ang Head ng Assistance to National Unit ng Philippine Embassy sa Kuwait, agad silang humingi ng tulong sa mga pulis nang makarating sa kanilang tanggapan ang sitwasyon ng OFW na kinilalang si Amy Jean.

Ni-raid umano ng mga otoridad ang bahay ng amo ni Amy Jean at tagumpay namang nailigtas ang OFW.

Dahil sa hirap na dinanas ni Amy Jean, nais na lamang nitong umuwi sa Pilipinas matapos makuha ang danyos mula sa kaniyang mga dating amo. (Sonny Delos Reyes & Ruth Navales, UNTV News)

  • JP007

    but others use it for evil purposes….Amen ako dyan pag kabutihan.

  • Danny

    mabuting balita ang paggamit ng social networking sites sa kabutihan