Nagsimula na rin sa wakas ang pagpapa-imprenta ng official ballots na gagamitin sa May 10 elections.
Mahigit pitung-daang libong poll automation ballots ang pa-unang nagawa sa National Printing office sa buong maghapon kahapon.
Naunang pina-limbag ang mga gagamitn sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM dahil mas mahaba ang papel ng balota na kinakailangan para sa nasabing rehiyon.
Tiwala naman ang Comelec na hindi na magkakaproblema ang twenty-hours printing hanggang sa matapos ang kinakailangang bilang ng balota sa itinakda nitong deadline sa April 25.