Aprubado na ng Mataas ng Kapulungan ng Kongreso ang Senate Bill 2361 o ang Legal Assistance to the Poor Act of 2010.
Layunin ng batas na ito ang mabigyan ng libreng serbisyong legal ang ating mga kababayang mahihirap.
Sa ilalim ng nasabing batas, aawasin sa buwis ng mga pribadong abugado na magbibigay ng pro bono sa mga mahihirap ang bayad serbisyo.
Malugod namang tinanggap ni Attorney Persida Acosta ng Public Attorneys Office (PAO) ang batas na ini-akda ni Senador Lito Lapid.