Sa halfway house ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Pasay City pansamantalang nanunuluyan ang may 6 na mga overseas Filipino workers na inilikas mula sa Haiti.
Ang unang batch ng mga OFW ay dumating sa bansa kaninang umaga sakay ng Philippine Airlines mula sa Los Angeles.
Kabilang sa mga nakauwi ay sina Rochelle Cruz; Sonny Maning; Mikaela Santos; Gregoria Bacurin; Donna Bacurin at Rosario Santos.
Isasailalim naman sa isang psycho-social assistance at debriefing ang nasabing Pinoy workers laban sa trauma na inabot nito nang yanigin ng magnitude 7 na lindol ang ansang Haiti.
Samantala, sa kabila ng mapait na karanasang sinapit dahil sa lindol, nagpahayag pa rin ng pagnanais na bumalik sa Haiti ang ilan sa nasabing mga Pinoy workes.