Hataw Balita | 1/29/2010 2:05:21 AM

Pangambang nationwide brownout sa Mayo, pinawi ng DOE

by UNTV News Team

Pinawi ng Department of Energy ang pangamba ng publiko na posibleng magkaroon ng brownout sa mismong araw ng halalan.

Ayon kay Energy Secretary Angelo Reyes, naayos na ang anumang aberya sa suplay ng kuryente kaya't tiyak na walang magaganap na brownout sa Luzon hanggang matapos ang halalan sa Mayo.

Tiniyak din ni Reyes na hindi na mauulit ang nangyaring power rotation noong nakaraang Lunes na nagdulot ng malawakang brownout sa ilang bahagi sa Luzon.

Samantala, sa Pebrero 4 ay nakatakdang pulungin ng DOE ang lahat ng power industry players upang ipaalala ang kanilang obligasyon sa publiko at pag-usapan ang posibleng maging epekto ng El Nino Phenomenon.