Hinamon ngayon ng mga miyembro ng minorya si Pangulong Noynoy Aquino na pangalanan ang mga uupa sa Headquarters ng Philippine Navy.
Ayon kay House Minority Leader Edcel Lagman, karapatan ng publiko na malaman ang mga naturang transaksyon dahil transparency din naman aniya ang isinusulong ni Aquino.
Kailangan daw na ipakita ni Pnoy ang kontrata at ang rules and conditions kung sino man ang uupa nito.
Tahasan ring sinabi ni Zambales Representative Mitos Magsaysay sa lahat ng mga bagitong gabinete ni Pnoy na pagaaralan munang maigi ang mga datos at impormasyon na kanilang nilalabas upang hindi magdulot ng kalituhan sa publiko.
Sinabi pa sa mga miyembro ng minorya hindi naman daw nila kinokontra ang mga isinusulong ng pangulo pero kung may kailangan daw silang batikusin sa mga aksyon ng gobyernong Aquino di sila magdadalawang isip na gawin ito.
Samantala kung ang tagapagsalita naman ni dating Pangulong Arroyo ang tatanungin, matapos daw nilang sumagot sa mga datos na inilabas ni Pangulong Aquino sa kanyang SONA, panahon na raw para mag moved on ito.