Dapat magsagawa ng imbestigasyon ang kongreso sa kaso ni Ilocos Sur Congressman Ronald Singson.
Naniniwala ang Center for Anti-graft and Corruption Prevention na dapat patunayan ng kamara na hindi nito kukunsintihin ang maling ginagawa ng kanilang mga miyembro.
Sinabi ni CACP Secretary General Lane Afable, responsibilidad din ng mababang kapulungan na alamin ang katotohan, lalot hindi biro ang kasong kinasasangkutan ni Singson.
Hinamon din ng grupo ang lahat ng mambabatas na sumailalim sa drug test bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Benigno Aquino the third sa clean governance program.
Si Singson ay nakapiit ngayon sa Hongkong matapos mahulihan ng droga.