Ito ang Balita | 7/29/2010 1:55:53 AM

Warrant of arrest laban kay Lacson hindi babawiin ng korte

by UNTV News Team

Ibinasura naman ng Manila Regional Trial Court ang mosyon na humihiling na bawiin na ng korte ang warrant of arrest laban kay Senator Panfilo Lacson.

Tinanggihan din ni Judge Thelma Bunyi-Media ang motion for reinvestigation sa dalawang kaso ng pagpatay laban sa naturang mambabatas.

Sa halip, inatasan ni Judge Media ang National Bureau of Investigation at ang Department of Foreign Affairs na gawin ang lahat para maibalik sa bansa ang nagtatagong senador.