Ito ang Balita | 7/29/2010 1:55:54 AM

Ampatuan et al, naghain ng not guilty plea sa 57th murder charge

by UNTV News Team

Ito ang naging tugon ni Andal Ampatuan jr at labing pito pa nang basahan ng sakdal sa ika-limampu’t pitong kaso ng pamamaslang kaugnay ng Maguindanao massacre.

Ang pahabol na kaso ay patungkol sa pagkakapatay sa UNTV reporter na si Victor Nuñez na hindi naisama sa naunang asunto dahil hindi pa nakikilala ang bangkay nito.

Naantala naman ang arraignment ng apat pang suspek na sina Supt. Abdulwahid Pedtucasan, Senior Inspector Gapor Abad, PO1 Michael Macarongon at Mohammad Balading.

Samantala, inihayag ni Judge Jocelyn Solis-Reyes sa pagdinig na muling nagsampa ng motion for inhibition ang kampo ni Andal jr. na agad namang tinuligsa ng abugado ng pamilya Mangudadatu.

Ayon kay Atty. Nena Santos, isa na naman itong paraan ng mga akusado para patagalin ang pagdinig sa kaso.