NCRPO, Handa na sa Pagpapanatili ng Seguridad sa araw ng SONA ni Pangulong Benigno Aquino III
MANILA, Philippines — Nakahanda na ang ilalatag n
a seguridad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa ikatlong State of The Nation Address (SONA) ni Pangulong Benigno Aquino III. Kasama sa ipatutupad ang “No Permit, No Rally” policy.
Sa araw na ito, Hulyo 14, ay magsasagawa ng Civil Disturbance Management o CDM competition ang NCRPO upang mapag-aralan ang antas ng kahandaan ng pulisya sakali mang magkaroon ng kaguluhan sa SONA ni Pangulong Noynoy Aquino III sa July 23.
Aabot sa 7,000 hanggang 8,000 pulis ang ipapakalat ng NCRPO upang mangalaga sa seguridad sa buong Metro Manila. Samantala, 3,000 sa mga ito ay itatalaga upang tutukan ang seguridad sa buong Quezon City kung saan naroon ang House of Representatives.
Ayon kay Police Regional Director Alan Purisima, tahimik pa ang sitwasyon sa kasalukuyan.
“No specific threat as of now, but we continue to liaison. We coordinate with other units for information sharing,” pahayag ni Purisima.
Magpapatupad din ng re-routing scheme ang Pulisya sa araw ng SONA. Mula hatinggabi ng Hulyo 23 ay magroronda ang may 12 tow trucks ng MMDA at Quezon City Government upang alisin ang mga sasakyang iligal na nakaparada sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.
Ilang container vans din ang ipapakalat ng Quezon City Police District (QCPD) sa Northbound Lane ng ang Commonwealth sa tapat ng St. Peters Church. Dalawang lanes na lamang ang maiiwang bukas.Dakong alas-singko naman ng madaling araw ng Hulyo 23 ay sarado na ang Northbound Lane mula Superstar KTV hanggang makalagpas ng Sandiganbayan.
Itatalaga ang harapan ng Sandiganbayan para sa mga pro-Administration rallyist samantala ang tapat naman ng Ever Gotesco ay para sa mga Anti-Aquino protesters.
Samantala, wala pang desisyon ang pulisya kung itataas na nito ang kanilang alerto. Matapos naman ang mga rally, sisikapin umano ng Pulisya na agad maibalik sa normal ang daloy ng trapiko pagsapit ng ikapito ng gabi. (Ito Ang Balita ni Victor Cosare/Marje Navarro, UNTV News)















Recent Comments