Published On: Thu, Aug 9th, 2012

NCR at Ilang Lalawigan, Walang Pasok Ngayong Araw sa Lahat ng Antas

 

MANILA, Philippines – (Update) Wala pa ring pasok ngayong araw ng Huwebes, Agosto 9, sa mga paaralan sa National Capital Region (NCR) at ilang karatig lalawigan dahil pa rin sa nararanasang kalamidad.

Batay sa ipinalabas na Memorandum Circular 34 ng Malacañang, suspendido ang pasok ngayong araw sa lahat ng antas sa Caloocan City, Makati City, Malabon, Mandaluyong City, Manila, Muntinlupa, Navotas, Pasay, Pasig City, Pateros, Parañaque, San Juan City, Taguig at Valenzuela.

Tatagal naman hanggang Biyernes, Agosto 10 ang class suspension sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City.

Wala pa ring pasok sa mga paaralan sa lalawigan ng Bataan, Bulacan, Cavite, Laguna, Pampanga, Pangasinan, Rizal, Tarlac at Zambales.

Samantala, inanunsyo naman ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa kanyang twitter account na may pasok na ngayong araw  sa  national government offices at private sectors sa Tarlac, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal. (UNTV News)