Published On: Mon, Feb 4th, 2013

Nahuling Lumabag sa Election Gun Ban, 403 na – PNP

 Picture of the IOF 32 Revolver with S&W (L) cartridges (Anupam Kamal via Wikipedia)

Picture of the IOF 32 Revolver with S&W (L) cartridges (Anupam Kamal via Wikipedia)

MANILA, Philippines – Umaabot sa 7 pulis at 7 empleyado ng pamahalaan ang kasama sa mga naaresto ng mga otoridad dahil sa paglabag sa ipinatutupad na nationwide election gun ban.

Ito ay batay sa ipinalabas na monitoring ng Task Force Safe ng Philippine National Police (PNP) mula nang ipatupad ang gun ban noong Enero 13.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo, batay sa kanilang report, umakyat na sa 403 ang nahuling lumabag sa gun ban.

Nasa 355 mga armas na rin ang kanilang nakumpiska, habang 98 patalim din ang nasabat ng mga awtoridad.

Kasabay nito, tiniyak naman ni PNP Chief Director General Alan Purisima sa publiko na mananatiling nakaalerto ang buong pwersa ng pulisya laban sa mga kriminal lalo na ngayong tila sinasamantala ng mga masasamang loob ang gun ban. (UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>