Published On: Tue, Jul 10th, 2012

Multa sa mga lalabag sa “Yellow Plates on Yellow Lane Policy” ng MMDA, Uumpisahan na sa Biyernes

Si MMDA Chairman Francis Tolentino habang personal na pinangangasiwaan ang pagpapatupad ng ‘Yellow Plates on Yellow Lane’ policy sa EDSA kahapon. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pasisimulan na sa Biyernes, Hulyo 13, ang pagpataw ng multa sa lahat ng pampasaherong bus na lalabag sa “Yellow Plates on Yellow Lane Policy” ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ang mapatutunayang lumabag ay magmumulta ng P200 hanggang P1,000.

Personal namang binisita kaninang umaga ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang kahabaan ng EDSA upang ipatupad ang istriktong implementasyon ng naturang polisiya.

“Kooperasyon lang sa hanay ng mga bus operators, at sa hanay namin . Siguro strict implementation, at panakamaganda ay kukuha din kami ng tulong sa ibang ahensya,” pahayag ni Tolentino.

Maaari namang makabiyahe ang mga provincial buses sa mga flyover sa kahabaan ng EDSA mula 6:00 – 10:00 ng umaga at mula 5:00 – 9:00 ng gabi lamang.

Kaugnay nito, nakatakdang makipagpulong ngayong araw si MMDA Chairman Francis Tolentino upang personal na kausapin ang lahat ng mga bus operator hinggil sa naturang polisiya. (Ito ang Balita ni Mon Jocson / Marje Navarro, UNTV News)