MTRCB Chief, Handang Sumabak sa Eleksyon sa Mayo 2013
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni MTRCB Chairperson Grace Poe-Llamanzares na bukas ang kanyang pananaw sa pagkakataong kumandidato para sa May 2013 Midterm Elections.
Ngunit ayon kay Chairperson Llamanzares, dapat munang hintayin ang pormal na announcement ng ruling party o coalition hinggil dito.
“In principle po, sinabi ko naman na bukas ako sa pagkakataon na tumakbo pero dapat manggaling sa opisyal na partido o koalisyon bago ako magsalita,” pahayag ni Llamanzares.
Matatandaang ipinahayag ni Pangulong Aquino na kasama sa senatorial ticket ng Liberal Party si Llamanzares. (Grace Casin/Marje Navarro, UNTV News)















Recent Comments