Published On: Tue, Jul 3rd, 2012

MMDA, nangangailangan ng karagdagang mga nurse at paramedics

Ang Road Emergency Group ng MMDA. (UNTV News)

MAKATI CITY, Philippines — Nais palakasin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang rescue group upang mabilis na matugunan ang mga nangyayaring aksidente sa lansangan.

Panawagan ni MMDA Spokesperson Atty. Alu Dorotan, bukas ang kanilang tanggapan para sa lahat ng mga nurse at sinumang may mga kaalaman sa medical training.

“Kami po ay bumubuo at pinapaigting ang aming mga rescuers, not just in terms of road safety or road emergencies but other calamities as well as landslides, earthquakes, flooding at iba pa.”

Ayon pa kay Dorotan,  20 nurse  ang kailangan nila sa kasalukuyan, pero kinakailangang may lisensya ang mga ito at isasailalim sa extensive training ang mga matatanggap na aplikante.

“Once na nag-apply ka makikita po namin ang credentials mo, at the same time may series of exam and test at kapag natanggap po kayo dito, ang maganda po rito ay mag-undergo po kayo ng training.”

Ayon sa datos ng MMDA, 5 hanggang 6 na road accidents ang nangyayari sa loob lamang ng isang araw kaya kailangan nilang mas paigtingin ang kanilang rescue group.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 7 ambulansya ang ahensya, kasama na ang 2 ambulansya na mula naman sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Nagsimula na nitong Lunes ang pagtanggap ng MMDA ng mga aplikante at magtatapos ito sa araw ng Biyernes, Hulyo 6. (Ito Ang Balita ni Dave Tirao / Ruth Navales, UNTV News)

  • fmp

    this would be a good start to tell the world that filipino nurses are one of the best !
    Though they may lack the training and facilities, am certain that they can do the job by heart.

  • veronica

    san magpapasa ng resume?

    • KD

      Sa office ng MMDA.

  • http://www.facebook.com/eggstyle Rovic Balunsay

    So many nurses in the Philippines that is not employed, maybe seeking better opportunities abroad? Why not help first to your own fellowmen.

  • http://www.angresulta.com Alvin Matias

    Magandang opportunity ito para sa mga nurses seeking for jobs.