Mga Residenteng Apektado ng Baha sa Marikina City, Sinimulan nang Ilikas

Ang pasyalan sa Markina Riverbanks na nilubog na bahang dulot ni bagyong GENER (Saola) (PHOTOVILLE International / Ryan Evale)
MARIKINA CITY, Philippines — Mahigit 100 pamilya pa ang inilikas sa dalawang barangay ng Marikina City bunsod ng pagbaha dulot ng bagyong Gener.
Mahigit 600 indibidwal ang inilikas matapos lumubog sa baha ang kanilang bahay sa Barangay Malanday at Pandayan, Marikina City.
Dahil pa patuloy na pagulan, umapaw na ang tubig sa creek sa Lower Sitaw ng naturang barangay kung kaya may ilang bahay ang naapektuhan. Ilan sa mga ito ay hanggang bewang na ang tubig, ang ilan naman ay hanggang leeg na.
Pansamantalang inilikas sa Bulelak Court ng Barangay Malanday at sa Malanday Elementary School ang mga apektadong pamilya. Isang malaking problema ay ang kakulangan sa palikuran sa mga evacuation centers.
“Wala ngang CR dito. Pati malinis na tubig wala rito.,Bumababa pa kami o bumibili para maka inom ng tubig,” pahayag ni Aling Weng, isang evacuee.
“Siempre kailangan din naman namin at panghugas sa mga gamit namin tulad ng mga plato,” dagdag naman ni Mylene Rhio, isa ring evacuee.
Tuloy tuloy naman ang pagiikot ng rescue team ng Marikina City upang iligtas ang mga binbahang residente.wala namang tigil sa pag-iikot ang mga rescue team ng Marikina upang iligtas ang mga binabahang residente rito.
“Naka-standby ngayon ang mga rescue boat namin para just in case na tumaas ang tubig, may mga bangka tayong magagamit dito,” pahayag ni Kagawad Jong Arenas ng Brgy. Sto Niño.
Nagbigay naman ng tulong ang lokal na pamahalaan ng marikina sa mga apektadong residente. (Ito Ang Balita ni Nel Maribojoc, UNTV News)













