Mga Raliyista sa China, Nagprotesta Kontra Japan
CHINA — Nagsagawa ng isang malawakang protesta ang ilang libong mamamayan ng Shenzhen, China laban sa bansang Japan.
Kinukundena ng mga raliyista ang ginawa umanong pagtatayo ng bandila ng Japan sa mga isla sa East China Sea na pinag-aagawan ng dalawang bansa.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na pahayag ang pamahalaan ng Japan sa ginawang protesta ng ilang residente sa Shenzhen. (UNTV News)















Recent Comments