Published On: Wed, Jul 25th, 2012

Mga Programa at Proyekto, Inilunsad sa Pagdiriwang ng Ika-8 Anibersaryo ng UNTV

Ang pagdiriwang ng ika-8 taon ng UNTV Your Public Service Channel na may temang Tahanan Mo, Tahanan Natin. Nasa larawan: (L-R) Atty. Redgie Tongol, William Thio, Beth Santiago) (PHOTOVILLE International)

PASAY CITY, Philippines — Sa layuning maipagpatuloy ang Serbisyo Publiko na nasimulan ng UNTV, ilang programa at proyekto ang inilunsad ng nag-iisang Public Service Channel sa bansa kasabay ng pagdiriwang ng Ika-8 anibersaryo ng istasyon.

Una rito ang kauna-unahang Mobile Driving School sa bansa, ang “Manibela Academy” Ang choice ng Matalinong Motorista.” Katuwang ang TESDA, iikot ang Mobile Academy sa iba’t ibang barangay upang maturuan ang mga motorista sa pagmamaneho at wastong pangangalaga sa sasakyan.

Manibela Academy Bus (PHOTOVILLE International)

Bukod dito, magtuturo rin  ng iba’t-ibang livelihood projects na makatutulong sa ating mamamayan na makapag-pundar ng sariling negosyo.

Samantala, nagkaloob din ng free engine treatment ang UNTV sa mga public utility van sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila. Ito ay upang mabawasan ang polusyon sa hangin sa bansa na bahagi rin ng adbokasiya ng UNTV.

Isa namang tahanan para sa mga sanggol na inabandona ang itinatag ng UNTV at Ang Dating Daan Foundation International (ADD Foundation Inc.) katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang Infant Care Program for Abandoned Babies ay naglalayong mapangalagaan at mabigyan ng tahanan ang mga bata na sa iba’t ibang kadahilanan ay walang pamilyang kamumulatan.

Ang Infant Care Program for Abandoned Babies na proyekto ng Ang Dating Daan sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano at UNTV sa pangunguna ni Kuya Daniel Razon. (PHOTOVILLE International)

Kasama rin sa isinusulong ng UNTV ay ang pagkakaroon ng mga breastfeeding station sa mga opisina, mall, restaurant, airport, terminal at iba pa. At upang ipakita at ipaunawa sa mga kababaihan lalo na sa mga ina ang kahalagahan ng breastfeeding o pagpapasuso sa mga sanggol ay sabay-sabay na nagpa-breastfeed ang mahigit limampung mga ina sa Pasay City. 

Ang adbokasiyang ito ay sa pagtutulungan ng grupong children for Breastfeeding, Nurturers of the Earth Inc. kasama ang UNTV at ang Members Church of God International (MCGI) sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano.

Ang breastfeeding program na ginanap sa One Esplanade, Pasay City bilang parte ng pagdiriwang ng UNTV sa ika-walong taon nitong paglilingkod. (PHOTOVILLE International)

Muli namang pinasalamatan ni Kuya Daniel Razon ang Philippine Red Cross (PRC), AFP at PNP sa patuloy na pagsuporta nito sa kampanyang “Tulong Muna Bago Balita”

“Hindi kami nagdaramdam kung mahuli kami sa balita,  basta mauna kami na matulungan ang ating mga kapwa tao,”

“Nagpapasalamat po kami sa PRC, Philippine Army, kasama ang lahat ng militar at pulis. Ito po ay isa sa ating kampanya na ginagawa, ang mga public services po na ating ginagawa ay ibig nating mai-sustain at maipagpatuloy.”

Si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon sa kanyang pagpapasalamat sa mga katuwang ng UNTV sa paglilingkod sa kapwa. (PHOTOVILLE International)

Samantala, may mga bagong programa ring  dapat abangan sa UNTV.

Isang bagong mukha ng mabilisang tulong at pagbabalita ang hatid ng mas pinaigting na public service ng UNTV, ang Quick Action Team (QUAT) sa pamamagitan ng “Tulong Muna, Bago Balita!”

Isa ring programa kung saan ipapakita kung paano makakatuwang ang mga alagad ng batas sa pangangalaga ng mga komunidad ang “Police at Your Service”.

Ang “Doctors on TV” naman ay kapapalooban ng bago at naiibang presentasyon ng mga medical case kasama ng mga tunay na pasyente upang maihatid sa mga manonood ang tunay na pangyayari kung paano ginagamot ang isang karamdaman.

Sa huntahan, hindi na lamang sa radyo kundi maging sa TV makakapagpalitan ng pananaw ang mga batikan pagdating sa mga kuru-kuro, pag-aanalisa at pagbibigay ng makabuluhang opinyon.

Sari-saring kwento ng buhay pamilya naman ang ihahatid sa mga manonood ng programang may titulong, “Bahay”.  Hango ito sa tema ng UNTV sa ikawalong anibersaryo nito na “Tahanan Mo, Tahanan Natin”.

Dahil dito, hindi napigilang humanga sa mga proyekto ng istasyon ang panauhing pandangal sa pagdiriwang ng ika-walong anniversaryo ng UNTV, ang Chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na si Mary Grace Poe-Llamanzares.

Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Mary Grace Poe-Llamanzares (PHOTOVILLE International)

“Noong ako po ay unang nag-guest sa UNTV sobra po akong namulat at na-impress sa ginagawa ninyong pagtulong sa kapwa, hindi ko sinasabi dahil nandito ako, saan ba naman tayo nakakita ng mga libreng medical service.”

“Yung inyong tema ngayon na tungkol sa pamilya, tahanan ninyo, tahanan natin, ito rin po ang tema ng MTRCB Movie and Television Review and Classification Board . dahil sa punot-dulo ang tamang gabay ay naguumpisa sa bahay dahil kahit gano kagaling ng gobyerno kahit gano karami pera. kahit ano pinagaralan kapag hindi ginabayan ang anak ay di lalaking responsibleng mamamayan. Maraming salamat po sa inyong serbisyo publiko, kayo po ay kaagapay namin, para sa amin isang karangalan ang magkaroon ng kliyenteng tulad ng UNTV sa MTRCB.” (UNTV News)

 

  • Marvin San Diego

    Di lang pangpamilya…pang world Class/Record pa!

  • Perocho Enrico

    Ano ang Mahalaga? PERA? o ang PANGINOON? Syempre po mas Mahalaga ang PANGINOON, pagkat ang panggamit ng PERA sa PAGTULONG sa KAPWA na ikinabubuti ng mga nakararami ay Bigay rin ng PANGINOON dahil ito po ay MABUTING PAGGAWA ng ating mga KAMAY,.galing sa DIOS ang kabutihan,Sapakat Ang Panginoong JESU-KRISTO ay binigay ng DIOS AMA sa Atin upang matubos ang ating mga KASALANAN at yun ay para tayo rin ay Mapabuti..,,eh yun po kayang Pantustos sa PAGGAWA ng MABUTI ang hindi kayang ibigay ng Panginoon???….kaya po Salamat Una sa Panginoon at sa kapatid na ELI SORIANO at KAPATID na DANIEL,,,at sa lahat ng Sumoporta sa ADHIKAING Tumulong at Gumawa ng MABUTI sa KAPWA,,,sana po Pamarisan Po ito ng Iba,,,TO GOD BE THE GLORY……

  • http://www.facebook.com/juancarlosgodoy Juan Carlos

    To God be the Glory

  • mhatt05

    Kung ang lahat ng TV Station ay ganito ang hangarin sa kapwa na makatulong mabilis na uunlad ang bansa natin tumigil na kayo sa mga telenovela na wala namang natututunan ang mga tao. Maging daan sana ang UNTV na pamarisan ng mga malalaking Istasyon sa paggawa ng mabuti sa kapwa, hindi yung puro negosyo lang ang iniisip mayayaman naman na kayo sana naman gumanti naman kayo ng madalas sa kapwa tao ninyo maraming nangangailangan na dapat tulungan. Kaya ang lagi kong hiling sa Dios na sana mas lalo pa nyang payabungin ang UNTV 37 YOUR PUBLIC SERVICE CHANNEL is truly public service. Dahil kayo ang tunay na nagpapatotoo sa salitang PUBLIC SERVICE at marami na kayong natulungang mga tao. Thanks be to God. More power to all of the staff of UNTV and also to Bro. Eli and Kuya Daniel for their hard work.

  • dannyemmyjoquicomallari

    Salamat po sa Dios! Another God’s work to mankind, through His God-sent Preachers!

  • Abel Suing

    Happy 8th year anniversary to UNTV a very ‘Public Service channel’, the 8th year anniversary of UNTV was trended at twitter >> http://abelidad.blogspot.com/2012/07/untv-8th-year-anniversary-nag-trend-sa_24.html

  • http://www.facebook.com/eggstyle Rovic Balunsay

    UNTV – Unique Network Teaching Values… Truly a public service channel. I also heard that they live by what they stand like kaya sila walang maraming advertisers dahil hindi sila tumatanggap ng mga patalastas from cigarettes, wines, beers, softdrinks, lotto and the others na hindi mabuti at makabubuti sa tao. Ito na pagkakataon ng mga good advertisers!

  • SUPERDHON

    TO GOD BE THE GLORY

  • renato baldago

    Sa Dios ang lahat ng kapurihan at karangalan magpakailan-kailan man.

  • marlo fletcher

    GOOD JOB…