Published On: Tue, Jan 29th, 2013

Mga Pilipinong Kumpirmadong Nasawi sa Hostage Crisis sa Algeria, Umabot na sa Walo — DFA

FILE PHOTO: Department of Foreign Affairs Spokesperson Raul Hernandez (UNTV News)

FILE PHOTO: Department of Foreign Affairs Spokesperson Raul Hernandez (UNTV News)

MANILA, Philippines – (Update) Umabot na sa walo ang bilang ng mga Pilipinong kumpirmadong nasawi sa nangyaring hostage crisis sa Algeria.

Ayon kay DFA Spokesman Raul Hernandez, walo rin ang nakauwi na sa bansa, apat ang nasa isang clinic sa Algeria at lima ang napagalamang nagbabakasyon sa Pilipinas.

Sa mga susunod na araw ay posibleng maiuwi na rin ang mga labi ng apat na biktima.

“Once the employment agency has this sample, that will be sent to Algeria to facilitate the identification of the remains lone missing OFW

Ayon pa kay Hernandez, hiniling ng mga pamilya ng mga biktima na maging pribado ang pagdating sa bansa ng labi ng kanilang mga mahal sa buhay.

“Nakikiusap sila na kung maaari daw pagbigyan muna sila at wag istorbohin at respitohin yung kanilang privacy so that they would be able to grieve and mourn over the lost of their family members.”

Magsasagawa naman ng DNA matching sa labi ng mga biktima sa madugong hostage-taking incident.

Ito ay upang malaman kung kasama roon ang isa pang Pilipino na nawawala.

Ayon sa DFA, kukuha sila ng DNA sample sa kamag-anak ng nawawalang OFW at ipadadala ito sa Algeria para sa matching.

Sa tala ng kagawaran, 26 na OFW ang nagtatrabaho sa In Amenas gas field. (Mirasol Abogadil & Ruth Navales, UNTV News)

Displaying 1 Comments
Have Your Say
  1. JP007 says:

    Perang di nman ganun kalaki…buhay ang kapalit…better to go Home to Pinas and Earn a Simple and Peaceful Living…suggestions…!

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>