Mga Pangunahing Lansangan sa Maynila, Sumailalim sa Road Reblocking ng DPWH
Pasig City, Philippines – Nagdulot ng matinding trapiko sa ibang bahagi ng Metro Manila ang road reblocking ng DPWH, pero ayon sa ating mga kababayan, mas mabuti na ito kaysa matapat sa araw na may pasok.
Patuloy pa rin ang Metropolitan Manila Development Authority sa pagkukumpuni sa ibat-ibang lubak o pothole sa Metro Manila na idinulot ng malawakang pagbaha nang humagupit ang napakalakas na hanging habagat.
Sa kahabaan ng Ortigas Avenue, naging mabigat ang trapiko dahil sa road reblocking ng DPWH.
Sabado (Agosto 18) nang pasimulan ang naturang proyekto. Inaayos din ng DPWH ang drainage na nagdurugtong sa Lacson at Earnshaw upang hindi na ito magdulot pa ng pagbaha sa lugar
Sinamantala din ng MMDA ang bakasyon upang magsagawa ng clean up operation sa bahagi ng Cainta, Rizal.
Samantala may ilang bahagi pa rin sa Metro Manila ang patuloy na nagsasagawa ng paglilinis sa mga kalat na iniwan ng pagbaha
“Dito sa Metro Manila mayroong naglilnis pa din hanggang ngayon. Mayroong 15% na lang siguro ang kailangan natin linisin,” pahayag ni Atty. Murph Carlos, Assistant Manager ng MMDA. (Ito Ang Balita ni Mon Jocson/Marje Navarro, UNTV News)














Recent Comments