Published On: Wed, Jan 30th, 2013

Mga Guwardiya ng SM North, Isinailalim sa Joint Tactical Inspection ng PNP at BFP

Ang isa sa mga security guards ng SM North Edsa na sumasailalim sa  Joint Tactical Inspection ng PNP at BFP (UNTV News)

Ang isa sa mga security guards ng SM North Edsa na sumasailalim sa Joint Tactical Inspection ng PNP at BFP (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines – Ininspeksyon ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) at Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga guwardiya ng isa pang sangay ng SM sa Quezon City kasunod ng nangyaring panloloob sa SM Megamall noong sabado ng gabi.

Layon ng inspeksyon na makita ang kahandaan ng mga security guard sa pagresponde sa isang insidente.

Ayon kay PNP-SOSIA Director, Police Chief Supt. Tomas Rentoy, kailangan na laging alerto ang mga guwardiya dahil nagmamatyag lang ang mga masasamang loob at naghihintay ng pagkakataong sumalakay.

Hinimok rin ng PNP ang lahat ng mga tauhan ng naturang mall na maging bahagi ng pagmamatyag sa mga kahina-hinalang tao at huwag iasa lahat sa guwardiya.

Kailangan rin aniyang mapakinabangan ang CCTV sa pagbabantay at hindi lamang kapag may nangyari nang krimen.

Nangako naman ang security department ng mall na paiigtingin pa nila ang seguridad sa kanilang establisyimento.

Kaugnay nito, magtatalaga rin ang QCPD ng karagdagang police visibility sa paligid ng mga mall at hihingi ng direct radio communication sa mga security personnel ng mga establisyimento upang mapabilis ang pagresponde sa mga krimen. (Victor Cosare & Ruth Navales, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>