Published On: Wed, Mar 26th, 2014

May sakit na anak, inspirasyon ng ASOP weekly winner

Si Arniel Villagonza (gitna) ang composer ng “Tanging Gabay” na tinanghal na Song of the Week sa A Song of Praise Music Festival nitong Linggo. Nasa larawan din ang kanyang interpreter na si Gian Gloria (kaliwa) at si Ms. Toni Rose Gayda. (CHARLIE MIÑON / Photoville International)

MANILA, Philippines — Ang karamdaman ng anak ang naging inspirasyon ng baguhang kompositor na si Arniel Villagonza na mula sa Butuan City upang lumikha ng papuring awit at tanghaling weekly winner sa A Song of Praise (ASOP) Music Festival, Linggo, March 23.

Ayon kay Arniel, nabuo niya ang awiting “Tanging Gabay” dahil sa naramdamang paggabay ng Maykapal sa pagharap nito sa mga problema sa buhay.

Sa labis na pagpasalamat sa Dios at sa programa, inialay din nito ang kanyang pagkapanalo sa kanyang kaisa-isang anak na lalaki na may cerebral palsy.

“Inspirasyon ko po ‘yung ASOP kaya nagawa ko  ang kanta po. Tapos syempre ‘yung anak ko, para sa kanya ito tsaka kay Lord po. Maraming salamat po,” saad nito.

Nakatulong din upang mas mapansin ng hurado ang naturang awit ang emosyonal na rendisyon ng ASOP year 2 interpreter at theater singer na si Gian Gloria. (CHARLIE MIÑON / Photoville International)

Ayon kay Gian, “Nagpapasalamat ako kay Lord kasi ako ‘yung napiling mag-interpret nung song na ginawa ni Kuya Arniel for his kid.  Sana maraming ma-inspire na tao dito sa kantang ‘to.”

Dinaig ng “Tanging Gabay” ang mga awiting “Kaloob Mo” ni Emmanuel Locso sa rendisyon ng bokalistang si Michael Artita at “It’s You” ni Joana Marie Valenzuela sa interpretasyon naman ni Nica Del Rosario. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)

(L-R) Kasamang naupo sa judge’s panel ng regular na huradong si ‘Dr. Musiko’ Mon Del Rosario, ang OPM’s undisputed juke box queen na si Imelda Papin at ang sikat na mang-aawit noong dekada 70 na si Eugene Villaluz. (CHARLIE MIÑON / Photoville International)

Displaying 1 Comments
Have Your Say
  1. Pwede po bang makagawa ang UNTV ng isang KARAOKE MACHINE na gaya ng mg nabibili ngayon sa market, na ang laman na kakantahin ay mga papuring awit sa Dios na gawa sa UNTV, o mga isinali dito sa ASOP, o yung mga kanta sa church. Salamat po sa Dios.

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>