Maraming Lugar sa Maynila at Pasay, Lubog na sa Baha
Manila, Philippines – Lubog na sa baha ang maraming lugar sa Maynila at Pasay partikular ang Espanya at ang Pandacan area. Maging ang mga lugar malapit sa Pasig River ay mataas na rin ang water level.
Maraming mga bahay at establisimiento ang nalubog sa baha kasama na ang maraming sasakyan at ari-arian. Ganito rin ang sitwasyon sa Magsaysay Boulevard patungong Nagtahan.
Na-stranded naman sa gitna ng tubig-baha ang ilang mga motoristang nagpumilit dumaan sa mga binahang lugar.
Dahil sa ipinatupad na suspensyon ng pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan, suspendido rin maging ang mga nakatakdang pagdinig sa Kongreso at Senado.
Pinababalik naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa ibang araw ang mga passport applicant.
Ayon sa ahensya, tatanggapin nila hanggang biyernes ang mga aplikanteng mayroon nang schedule sa DFA-OCA dalhin lamang ang appointment slip.
Samantala, bahagyang pumayapa na ang alon sa Manila Bay kaya’t hindi na gaanong naaabala ang MMDA sa pagtatanggal ng mga basura na ipinadpad ng malakas na hangin at ulan. (Ito ang Balita ni Bryan De Paz/Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments