Published On: Tue, Jul 24th, 2012

“Manibela Academy” ng UNTV, May Free Driving Lessons sa Publiko

Si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon sa paglulunsad ng isa sa mga pinakabagong serbisyo publiko ng UNTV ang Manibela Academy Bus. (PHOTOVILLE International)

QUEZON CITY, Philippines — Sa pangunguna ni Mr. Public Service Kuya Daniel Razon, inlunsad ng UNTV ang “Manibela Academy,” isang mobile learning school na naglalayong magbigay ng libreng pag-aaral sa mga motorista at ibig matutong magmaneho.

Ang programa ay bahagi ng selebrasyon ng ikawalong anibersaryo ng Public Service Channel, sa pakikipagtulungan ng grupong Ang Dating Daan sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano, at ng TESDA sa pangunguna naman ni Secretary Joel Villanueva.

Iikot ang “Manibela Academy”  sa ibat ibang bahagi ng bansa upang linangin at bigyang kaalaman ang mga motorista sa pagmamaneho at pagmemekaniko. Dala nito ang mga kagamitang pangsasakyan na kakailanganin upang matutunan ang basic driving at trouble shooting.

Hindi lamang pagmamaneho at pagmemekaniko ang ituturo sa loob ng Manibela Academy.

Ituturo din dito ang ibat ibang livelihood projects na makatutulong sa ating mga kababayan upang makapag pundar ng sariling negosyo.

Nagpasalamat naman si TESDA Secretary Joel Villanueva sa proyektong ito ni Kuya Daniel Razon.

Kasabay ng naturang launching, namahagi rin ng engine conditioner ang UNTV sa mga tricycle driver habang may libreng massage at haircut naman mula sa TESDA.

Isa rin sa isinusulong ng Manibela Academy ay ang responsableng pagmamaneho.

Kasabay nito ay inilunsad din  ang “Search for the Most Outstanding PUV Driver” para sa lahat ng mga pinaka maingat at responsableng driver sa bansa. (Mon Jocson/Marje Navarro, UNTV News)

Ang loob ng Manibela Academy Bus na naglalaman ng mga tools na pang-mekaniko ng sasakyan atbp. (PHOTOVILLE International / Kenjie Hasegawa)

 

  • OSEFGOLD

    walastik talaga ang mga public service ni kuya Daniel Razon. TO GOD BE THE GLORY

  • louizawell

    pano po mag-enroll? salamat po.

  • Herman A. Tecson

    Magandang araw po! Kung kailangan pa po ninyo ng driving instructor ay sabihan ninyo po lang ako.

  • jose mari pascual

    pano kaya ang magenroll po sa manibela academy?

  • ssejla

    auz to sana maka take din ako ng libreng training na yan:). napakagandang adhikain ang ilulunsad ng UNTV at TESDA

    ..ssD

  • emylouzlantican

    Good News po ito!!

  • http://www.facebook.com/hadji.magante Haddji Magante

    aus to’