Published On: Thu, Jul 12th, 2012

Malacañang, Iwas sa Isyu ng paggawad ng National Artist Award sa yumaong actor na si Dolphy

Ang yumaong Hari ng Komedya Rodolfo “Dolphy” Quizon (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng kanyang pakikiramay si Pangulong Benigno Aquino III sa pamilya Quizon sa pagpanaw ng nagiisang Comedy King na si Dolphy. 

Bagaman nalulungkot ang Palasyo sa pagkawala ng premyadong actor, dumistansya ito sa isyu ng paggagawad ng National Artist Award kay Dolphy. Subalit naniniwala ito na malaki ang naging kontribusyon ni Dolphy, hindi lamang sa entertainment industry kundi pati na rin sa buhay ng mga pangkaraniwang mamamayan. 

 Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, umiiwas lamang ang Palasyo na panghimasukan ang prosesong isinasagawa ng mga opisyal ng National Commission for Culture and The Arts at ng Cultural Center of the Philippines sa paghirang sa isang tao bilang isang national artist.

 “We don’t want to politicize process, we don’t want to make any pre-judgements…Hindi naman natin mahuhusgahan kung matagal na o hindi. As we have said, the president did personally believes the contribution of Dolphy in this industry and also to the numerous people he help because of his foundation,” pahayag ni Gaite. (Ito Ang Balita ni Nel Maribojoc / Marje Navarro, UNTV News)

  • http://www.facebook.com/ailanemae.bambe Ailane Mae Bambe

    mdlas ska lang na napapahalagahan ang mabuting gawa ng tao kung wla na..ung iba mas binibigyang pansin pa yung mga tsismis at intriga..

  • http://www.facebook.com/ailanemae.bambe Ailane Mae Bambe

    di namn dapat tignan ung mga naging role ni mang dolphy sa pelikula kundi yung naiambag nya sa industriya na halos ikinabuhay nya na, lalo na sa pagbibigay kaunting kasiyahan sa mga tao sa kabila ng tunay na mukha ang ating lipunan.

  • http://www.facebook.com/adjes Adjes Pacopia Carreon

    Ayon sa TV Host at MTRCB board member Jojo Alejar, kaya daw medyo hesitant na igawad kay Mang Dolphy ang National Artist award ay dahil sa pagganap nito ng gay sa ilang pelikula nito at demeaning the gay community daw…kung totoo ito, ang babaw nila ha!