Mahigit 600 manhole, natabunan ng aspalto dahil sa proyekto ng DPWH

Ang ilan sa mga manhole na sinasabi ng MMDA na natabunan dahil sa mga project ng DPWH. (UNTV News)
MAKATI CITY, Philippines — Mahigit 600 manhole ang natabunan ng aspalto dahil sa proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Dahil ditto, hirap ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tanggalin ang mga bara sa ilang mga daanan ng tubig sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, nahihirapan sila dahil hindi nila matukoy kung nasaan ang mga butas.
“May natabunan ng aspalto ang DPWH na 661. I’m sure they will rectify that, hindi namin makikita yung manhole at aspaltado na.”
Ayon kay Chairman Tolentino, isa sa dahilan ng mga pagbaha sa Maynila ay ang baradong mga estero at drainage.
Hindi nakadadaloy nang maayos ang tubig baha sa mga lansangan palabas sa mga ilog kaya kailangan nila itong isailalim sa declogging.
Maghahanap aniya sila ng alternatibong daanan ng kanilang suction pipes.
“Maghahanap ka ng mas malayong ruta para masundot yun. Saan papunta ang creek sa labasan ng spillway, so hindi ka direkto dun, maglo-long cut ka.”
Nagpadala na rin ng sulat ang MMDA sa DPWH para maaksyunan ang naturang problema. (Ito Ang Balita ni Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments