Published On: Tue, Sep 18th, 2012

Mahigit 300 RH Bill Advocates, Nagpiket sa Senado

Ang mga Pro-RH Bill na nag-rally sa harapang ng Senado ngayong araw ng Martes. (UNTV News)

PASAY CITY, Philippines — Nagpiket sa tapat ng gusali ng Senado sa Pasay City ang mahigit 300 Reproductive Health bill advocates kaninang umaga.

Suot ang kulay-lilang damit, nanindigan ang mga ito na sapat na ang posisyon ng bansa sa RH bill kaya’t panahon nang pagbotohan ito sa plenaryo ng senado.

“Violet kasi women, ang tingin namin mas maagrabyado sila sa pag-walang panukalang batas ang kababaihan, mga anak nya at kababaihan,” pahayag ni Dr. Junice Melgar ng RH Advocacy Network.

Naging bahagi rin sa programa ang malalaking mukha nina Senate President Juan Ponce Enrile at Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III.

Ayon kay Dr. Melgar, ang dalawang senador ang pangunahing humaharang na maipasa ang kontrobersyal na panukala sa kongreso.

“Dito sa senate unfortunately sina Sotto at Enrile, ang sinasabi namin baka they find in their hearts, statesman naman sila ng bansa, allow the vote, and let’s respect it regardless what’s happen.”

Ayon pa sa Reproductive Health Advocacy Network, sapat na ang survey na nagpapakita na walo sa sampung Pilipino ang nagsasabing ang kababaihan at mag-asawa ay may karapatang pumili ng kanilang family planning method.

Una nang pinabulaanan nina Sotto at Enrile na dinedelay nila ang nasabing panukala.

Anila, dapat munang pag-aralang mabuti at idaan sa tamang proseso ang pagpasa sa RH bill.

Pahayag ni Senate President Juan Ponce Enrile, “Paano magkakaroon ng delaying tactics? We are working in accordance with the rules.”

“If delaying tactics are going to be used, then they will not have it on the floor,” pahayag naman ni Senate Majority Floor Leader Vicente Sotto III. (Bryan de Paz/Ruth Navales, UNTV News)

Displaying 35 Comments
Have Your Say
  1. Fabian Pilapil says:

    Almost 8 billion pesos is spent by the government yearly to address the problems that the RH Bill wants to address. Utilize this fund for family and reproductive health programs which the DOH should implement for all.

    Give priority to the stricter implementation of the Magna Carta for women so in this case maternal health will no longer be a problem.

  2. Antonio says:

    Ang Pilipinas nagiging pudag ng tsismis dahil masyadong maraming marunong at magaling. Marunong manisi ng iba at Magaling manira ng tao.

  3. Jajun says:

    ang daming dummy accounts ng mga paring katoliko dito. takot kasi na mabawasan ang kinikita sa binyag hahaha

    • ellee says:

      hahahaha tama, at pinagsasabihan pa nila na walang alam patungkol sa RH bill ung mga nagrarally eh mga doctor nga di ba mas marunong pa sila sa doctor patungkol sa health care?… minamadali daw ang RH bill at di napag aralan maige?… ilang presidente na ba ang nagdaan>? cguro mga 15 years ng di matuloy tuloy yan eh yan ba di napag aralan ng maigi?.,..

  4. Lourdez says:

    Nakakaawa ang ibang tao na pinilit at isinama lang sa pagprotesta para maipasa ang RH. Hindi nila alam na pumapanig sila sa kung ano ang ikasisira nila. No to RH bill.

  5. Jaz says:

    Let’s not support RH bill! Walang maidudulot na maganda sa bayan at sa mga tao.

  6. Lui says:

    Minamadali masyado ang botohan, tama lang na pagusapan at pag isipan muna ng mabuti ang RH bill na yan nang hindi magkasisihan.

  7. Imee says:

    Desperate move again para lang ipasa ang gusto nilang RH bill.

  8. olive says:

    Ang mga Pro naman talaga ang nagsasagawa ng mga delaying tactics eh.

  9. olive says:

    Sana wag nalang ipasa ang RH Bill na yan ng hindi na umaabot sa mga ganyan.

  10. olive says:

    Tama naman ang gusto ni Enrile at Sotto na dapat munang pag-aralang mabuti at idaan sa tamang proseso ang pagpasa sa RH bill.

  11. Rofolfo says:

    Hindi naman talaga ang RH Bill ang makakatulong sa bansa. Hindi naman nito mapapakain ang napakadaming tao na nagugutom.

  12. Jello Gapan says:

    Naniniwala ako na hindi lahat ng taong yan ay may sapat na kaalaman tungkol sa RH Bill. Hindi lang naman ito tungkol sa family planning.

  13. Rodolfo says:

    Tama si Sotto at Enrile, dapat mapagusapan ng mabuti ang RH Bill. Kapag naipasa ito wala ng bawian kaya dapat ngayon pa lang maipaglaban na wag na ito maipasa.

  14. Anita Baluyot says:

    Siguro itong mga taong andito hindi pa alam kung ano ba talaga ang RH Bill that is why they keep on insisting it.

  15. Emily Velasco says:

    Your reporter got it wrong 60 people lang po ang nandun.

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>