“Magpuri Ka Oh Pilipinas,” wagi bilang Song of the Week sa ASOP TV

Ang nanalong ASOP Song of the Week na “Magpuri ka oh Pilipinas” sa komposisyon ni Anton Estrella Jr. at sa interpretasyon ni Judy Honor. (PHOTOVILLLE International / Gaye Fritz Ofilas)
QUEZON CITY, Philippines — Pasok sa panlasa ng mga huradong sina Vehnee Saturno, Rannie Raymundo at Marissa Sanchez ang awiting “Magpuri Ka Oh Pilipinas” upang tanghaling “Song of the Week” ng A Song Of Praise (ASOP) Music Festival.
Ito ay komposisyon ng 2nd time contestant na si Anton Estrella Jr. na aminadong marami siyang natutuhan sa komento ng mga hurado sa kanyang unang pagsali sa ASOP.
“Well, ang mga judges natin lagi dito sa ASOP, lagi silang nandyan para magbigay sila ng mga… hindi para i-criticize kundi para mas mapagbuti ng mga sumasali ‘yung craft ng paggawa ng awit lalo na sa mga kagaya natin na o kagaya ko na hindi naman professional na songwriter.”
Bumilib naman sa kanyang obra ang interpreter nyang si Judy Honor na substitute conductor ng Senate Choir.
“It’s really uplifting… ‘yung melody niya parang hindi lang siya tunog makabayan pero parang ‘yung sinabi mo na buong Pilipinas, let’s praise God. It’s another way para sabihin na magkaisa tayong lahat. Purihin natin ang Panginoon.”
Dinaig naman ng komposisyon ni Anton ang mga awiting “Salamat Oh Mahabaging Dios” na likha ni Rodel Cubacub sa interpretasyon ng Pinoy Idol grand winner na si Gretchen Espina, ang “Praise And Thank You Lord” ni Jojo Alejar na inawit naman ng Philippine Idol runner-up na si Gian Magdangal at ang “No Stop” na sinulat ni RJ Jimenez sa rendisyon ni Pinoy Pop Superstar finalist na si Ken Dingle. (Ito ang Balita ni Adjes Carreon/Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments