Published On: Fri, Feb 1st, 2013

Lisensya ng mga Security Agency, Kakanselahin kung hindi Aarmasan ang kanilang mga Gwardiya — PNP

PNP Chief Alan Purisima (UNTV News)

PNP Chief Alan Purisima (UNTV News)

MANILA, Philippines — Posibleng matanggalan ng lisensya ang mga security agency na lalabag sa direktiba ng Philippine National Police (PNP) na armasan na ang mga gwardiya na nakatalaga sa mga mall at mga paaralan.

Una nang iginiit ng Philippine Association of Detective and Protective Agency Operators (PADPAO) na ang kanilang mga kliyente ang nagsasabi na huwag pagdalhin ng baril ang kanilang mga gwardiya.

Pero ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima, nalalagay sa panganib ang seguridad ng publiko dahil sa kawalan ng armas ng kanilang mga tauhan.

Iniutos na rin ni Purisima ang pagsasailalim sa re-training ng mga gwardya simula sa susunod na linggo.

Dadaan ang mga ito sa marksmanship training, self-defense at emergency response gaya ng hostage-taking situation, robbery o kung may nagtatangkang magpakamatay. (UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>