Lider ng Aman Futures na si Emmanuel Amalilio, Arestado sa Kota Kinabalu, Malaysia

Ang CEO ng Aman Futures Group na si Emmanuel Amalilio na nahuli sa Kota Kinabalu, Malaysia. (Map Courtesy of Google Maps)
MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Justice Secretary Leila De Lima na naaresto na ng Malaysian police ang lider ng Aman Futures Group Philippines Inc., at hinihinalang utak ng investment scam na si Emmanuel Amalilio
Naaresto si Amalilio sa Bureau of Immigration ng Kota Kinabalu dahil sa pagdadala ng pekeng Malaysian passport at I.D.
Agad namang ipinaalam ng Malaysian authorities sa embahada ng Pilipinas sa Kuala Lumpur ang pagkakaaresto kay Amalilio.
Ayon kay De Lima, nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad sa pamahalaan ng Malaysia upang mapabalik sa bansa ang sinasabing utak ng bilyon-bilyong pisong scam sa Visayas at Mindanao.
“We are now working on it na makuha ang physical custody niya at the moment so that kaagad-agad din na dadalhin dito at susunduin na siya ng NBI.”
Ikinatuwa naman ng Malakanyang ang pagkakahuli kay Amalilio na magiging daan upang mabigyan ng hustisya ang mga naloko nitong investor. (Mon Jocson & Ruth Navales, UNTV News)













