Legalidad ng Kompisisyon ng Judicial and Bar Council, Hiniling na Pagdebatehan Sa Korte Suprema
MANILA, Philippines — Hiniling ni Attorney Frank Chavez sa Korte Suprema na magtakda ng isang oral argument upang pagdebatehan ang legalidad ng kasalukuyang composition ng Judicial and Bar Council (JBC).
Sa inihaing mosyon ni Chavez sa Korte Suprema, nais nitong isagawa ang oral argument sa susunod na linggo upang agad na maresolba ang isyu bago simulan ng JBC ang live panel interview sa mga kandidato sa pagiging Chief Justice.
Nauna rito ay naghain ng petisyon si Chavez at kinuwestiyon ang legalidad ng pagkakaroon ng dalawang kinatawan ng kongreso sa JBC na aniya’y labag sa itinatakda ng Konstitusyon.
Si Chavez ay naging Solicitor General at nai-nominate sa pagka-Chief Justice ngunit hindi inaksyunan ng Korte ang kanyang nominasyon kaya’t hindi ito isinama ng JBC sa opisyal na listahan ng mga kandidato. (UNTV News)















Recent Comments