Published On: Fri, Jul 20th, 2012

Lauro Vizconde, Naghain ng Oposisyon laban sa Nominasyon ni Judge Antonio Carpio

Manila, Philippines – Naghain ng formal opposition sa nominasyon ni Acting Chief Justice Antonio Carpio si Lauro Vizconde.

Ito ay bunsod ng umano’y pang-i-impluwensiya ni Carpio sa kaso ng pamamaslang sa kanyang pamilya.

Sa kanyang inihaing opposition letter sa Judicial and Bar Council (JBC), sinabi ni Vizconde na wala kay Carpio ang mga katangiang nararapat sa isang punong mahistrado ng Korte Suprema. Aniya, kuwestiyonable ang integridad ni Carpio dahil sa umano’y pakikialam  nito sa desisyon sa kaso ng Vizconde Massacre kung kaya napawalang-sala ang mga akusado

Mismong si dating Chief Justice Renato Corona pa aniya ang nagkumpirma nito sa kanya nang minsang dumalaw siyaa sa Korte Suprema

“Sometime when my case was being heard in Paranaque RTC, he acted as a witness for the Webb. Pagkatapos nasa SC siya, sinong hindi magdududa sa kanya na wala siyang hand sa Acquittal ng mga Webb?” pahayag ni Vizconde.

Nitong nakaraang linggo ay naghain na rin ng hiwalay na oposisyon kay Caprio ang Volunteers Against Crime And Corruption (VACC) na kinabibilangan ni Vizconde.

Ayon sa VACC, wala rin umanong magiging pagbabago sa Supreme Court kapag si Carpio ang nahirang na bagong punong mahistrado.

Hanggang ngayon na lamang, Hulyo 20, tatanggapin ng JBC ang mga oposisyon laban sa mga nominado sa pagka-Chief Justice. (Victor Cosare/Marje Navarro, UNTV News)