Published On: Thu, Aug 16th, 2012

Lalaking Nanapak sa Isang Traffic Enforcer, Kinasuhan ng MMDA

Ang pagsasampa ng MMDA ng kaso sa motoristang si Robert “Blair” Carabuena dahil sa pambubugbog kay Traffic Law Enforcer na si Saturnino Fabros. (UNTV News) Image inset courtesy of T3/TV5.

QUEZON CITY, Philippines – Nahaharap ngayon sa kaso ang isang motorista dahil sa pananakit nito sa isa sa mga traffic enforcer ng MMDA noong Sabado, Agosto 11 sa Tandang Sora, Quezon City.

Kasong direct assault ang isinampa ng pamunuan ng MMDA sa Quezon City RTC laban sa motoristang si Robert “Blair” Carabuena.

Kumalat sa Youtube at usap-usapan sa mga social networking sites ang nangyaring pananampal ni Carabuena sa isang traffic enforcer.

Nakalabag umano sa batas trapiko si Carabuena kaya agad sinita ng MMDA traffic enforcer na si Saturnino Fabros.

Makikita sa nasabing video footage ang eksena sa pagitan ni Carabuena at ng traffic enforcer.

Binatukan ng dalang cap ni Carabuena ang traffic enforcer habang hawak-hawak ito sa damit.

At habang dinuduro-duro, akmang susuntukin din ni Carabuena ang traffic enforcer. Walang anu-ano’y biglang sinampal ni Carabuena ang traffic enforcer at saka umalis.

Planong ipa-revoke ng MMDA ang lisensya ni Carabuena para hindi na ito makapagmanaheo ng kahit anong sasakyan.

Damay rin sa kaso ang kapatid ni Carabuena dahil naging accesory ito sa krimen.

Ayon pa sa ahensya, bukod sa isasampang kaso, kailangan ding mag-public apology si Carabuena dahil sa ginawa nito sa traffic enforcer.

Samantala, nadismaya naman ang Malakanyang nang mapanood ang naturang video.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng motorista.

“That is an unacceptable behavior from the motorist… who is seeking enforce the traffic laws should not deserve a manhandling by ordinary citizens.”

Suportado naman ng Malakanyang ang gagawing aksyong legal ng MMDA kaugnay sa naturang pangyayari. (Ito ang Balita ni Bernard Dadis, Nel Maribojoc, Ruth Navales, UNTV News)

  • http://www.facebook.com/richardgcortez Richard Cortez

    Some drivers think they own the road and if you step on their court, they already own you and do whatever they want on you.
    Sikat ka ngaun Roberl “Blair” Carabuena dahil sa kayabangan mo. Di lang MMDA huhuli sayo ngayon… all eyes on you dude!

  • john clarence

    lilipas din yan….pera pera pera lang yan

  • http://www.angresulta.com Alvin Matias

    Akala niya siguro hindi existing ang camera sa Pilipinas. Si Robert “Blair” Carabuena ngayon ang mas kawawa sa kasong haharapin niya.