Lalaking naaksidente sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

Ang sugatang driver ng motorsiklo na kinilalang si Manuel Valderama habang nilalapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team (UNTV News)
QUEZON CITY, Philippines – Nadaanan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle accident sa may bahagi ng Quezon Avenue sa Lungsod Quezon, ala-1 ng madaling-araw kanina.
Sugatan ang driver ng motorsiklo na kinilalang si Manuel Valderama.
Agad nilapatan ng paunang lunas ng rescue team ang biktima dahil sa tinamong deformity sa kaliwang tuhod at gasgas sa kanang siko at mabilis na dinala sa Philippine Orthopedic Center.
Sa salaysay ni Valderama, papunta sana siya sa isang kainan kasama ang kanyang mga kaibigan upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan subalit habang bumibiyahe sa kalsada ay nawalan siya ng kontrol sa manibela kaya siya natumba. (Benedict Galazan & Ruth Navales, UNTV News)













