Klase sa NCR at Ilang Lalawigan, Suspendido pa rin ngayong Miyerkules

Ang paaralan ng Calumpit Central School sa Bulacan na lubog sa baha kahapon. (PHOTOVILLE International / Rodgie Cruz)
MANILA, Philippines – Nag-anunsyo na ng suspensyon ng klase ang maraming paaralan sa NCR at karatig lalawigan dahil sa mga nararanasang malawakang pag-baha.
Walang pasok ngayong Miyerkules sa lahat ng antas sa Caloocan City, Marikina City, Navotas City, Parañaque City, Las Piñas City, Mandaluyong City, Muntinlupa City, San Juan City, Manila City, Quezon City, Antipolo City, Pateros at Taguig City.
Suspendido na rin ang klase sa lahat ng antas sa lalawigan ng Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Rodriguez, Cainta, at Cavite.
Wala ring pasok sa preschool hanggang highschool sa Antipolo City at Rizal, habang wala ring pasok sa Bataan kabilang na ang mga government employee.
Samantala, wala ring pasok sa mga sumusunod na unibersidad:
- Ateneo de Manila University
- FEU (lahat ng campus)
- UP Los Baños
- Fatima University (lahat ng campus)
- UP Diliman
- University of Perpetual Help (Las Piñas, Molino, Calamba campuses)
- Trinity University of Asia
- CEU Malolos, Bulacan















Recent Comments