Published On: Tue, Aug 21st, 2012

Katawan ni DILG Sec. Jesse Robredo, na-recover na — DOTC Sec. Roxas

FILE PHOTO: DILG Sec. Jesse Robredo (UNTV News)

MASBATE, Philippines — Kinumpira ngayon ni Department of Transportation and Communication Secretary Mar Roxas na kay DILG Secretary Jesse Robredo nga ang isang katawang na-recover ng mga diver sa karagatan ng Masbate City.

Alas -7:35 kaninang umaga nang makita ng diver ang katawan sa ilalim ng dagat, alas-otso kinse nang makumpirmang ito nga ang katawan ni Sec. Robredo.

Ayon kay Sec. Roxas mismong si Pangulong Benigno III ang tumawag sa misis ni Sec. Robredo na si Leny Robredo upang sabihin na nakita na ang katawan ng kanyang asawa.

Natagpuan ang katawan ni Sec. Robredo sa lalim na 180 feet at nasa layong 800 meters mula sa pampang.

Ang labi ngayon ay hawak na ng Philippine Coast Guard.

Sa kasalukuyang isinusulat ang balitang ito ay patuloy naman ang isinasagawang retrieval operation para sa dalawa pang pilotong nawawala. (UNTV News)

 

 

  • kar

    bakit kaya kun cnu pa ang mababait na tao cya pa ang knukuha?cguro upang hnd na nla mararnasan ang lupit ng mga tao sa mundo..