Published On: Tue, Jul 17th, 2012

Kamara, hindi prayoridad ang Cha-Cha – Gonzales

FILE PHOTO: House of Representative sa isang sesyon. (UNTV News)

 QUEZON CITY, Philippines — Mismong si House Majority Leader Neptali Gonzales II ang nagpahayag na hindi prayoridad ng mababang kapulungan kongreso ang muling pagbuhay sa Charter Change.

Ayon sa kongresista, maraming mga panukalang batas pa na kailangang maipasa  lalo na ang mga priority bill ng Pangulo na kasama sa Legislative-Executive Development and Advisory Council (LEDAC).

Sinabi pa ng mambabatas na magiging abala na sa midterm elections ang ilang mga kongresista pagsapit ng election period kaya hindi na ito mabibigyan pa ng sapat na panahon.

Binigyang diin pa ni Gonzales na hangga’t walang ipinag-uutos ang pangulo tungkol sa Cha-Cha ay asahan na ang mabagal na pagkilos ng kamara ukol dito. (UNTV News)