Published On: Tue, Jan 21st, 2014

Kahalagahan ng disaster risk insurance sa bansa, pag-aaralan pa — Legarda

FILE PHOTO: Sa larawang ito na kuha noong December 10, 2013 mula sa UNTV drone, makikita ang isang barkong komersyo na napadpad sa isang pamayanang malapit sa pampang ng Anibong, Tacloban na matapos ang pananalasa ni supertyphoon Yolanda.  Ayon sa pagtatala ng NEDA, umabot sa P571 billion ang kabuoang halaga ng naging pinsala sa bansa. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

FILE PHOTO: Sa larawang ito na kuha noong December 10, 2013 mula sa UNTV drone technology, makikita ang isang barkong  pangkomersyo na napadpad sa isang pamayanang malapit sa pampang ng Anibong, Tacloban matapos ang pananalasa ni supertyphoon Yolanda. Ayon sa pagtatala ng NEDA, umabot sa P571 billion ang kabuoang halaga ng naging pinsala ni Yolanda sa bansa. Upang maiwasan umano ang palaging paggastos nang malaki ng pamahalaan tuwing sasapit ang mga malalaking kalamidad, pinag-aaralan ngayon sa Senado ang kahalagahan ng disaster risk insurance. (ARGIE PURISIMA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Ipinahayag ni Senador Loren Legarda, ang chairperson ng Senate Committee on Climate Change ang kaugnayan ng kalamidad at kahirapan sa isinagawang high level forum on strengthening disaster risk insurance kanina, Martes.

Ayon sa senador, base sa tala ng National Economic and Development Authority (NEDA), umabot sa P571 billion ang kabuoang halaga ng pinsala sa bansa ng nagdaang Super Typhoon Yolanda.

Tumaas naman mula 4.1% noong 2012 hanggang 55.7% noong 2013 ang poverty incidence sa Eastern Visayas na pinaka-nasalanta ng bagyo ayon sa pagtaya ng Asian Development Bank (ADB).

Dahil dito, hinihikayat ni Legarda ang national at lokal na pamahalaan, maging ang mga pribadong sektor na kapulutan ng aral ang mga nagdaang kalamidad na tumama sa bansa.

“Alam natin na higit sa kalahating bilyong dolyares ang nawala sa Haiyan o Yolanda, at higit anim na libo ang namatay. Hindi naman maaaring palagi nalang tayong kuha nang kuha sa ating savings para sa rehab at recon. Kailangan may paraan para tayo ay maagapan natin ang gastusin sa kahirapan na dulot ng disaster na to,” pahayag nito.

Dagdag pa ni Legarda, hindi lamang dapat mag-concentrate sa pag-iwas sa pagkawala ng buhay ang Disaster Risk Reduction Strategies (DRR) kundi maging sa pagprotekta sa mga imprastruktura.

Dito aniya pumapasok ang disaster risk insurance.

“Simply put, insurance, magkakaroon ng ‘pag maapektuhan, ay may mapagkukunan. Ito, risk reinsurance, ibig sabihin, inililipat ang insurance outside of the Phils. Nirereensure sa iba.”

Sa ilalim ng polisiyang ito, isinusulong ang resilience o ang sustainable at sturdy form ng pabahay at imprastruktura.

Nakasaad din aniya dito ang pagkakaroon ng sapat na pondo at resources ng mga lokal na pamahalaan upang hindi na umasa sa national government.

Subalit binigyang diin ng senador na hindi ito ang sagot o solusyon sa problema ng kalamidad.

Aniya, “bagama’t tayo ay magkakaroon ng reinsurance ay kailangan building back better tayo. Dapat resilient ang ating infra. Kailangan ang ating energy renewable, sustainable ang ating pamumuhay. Kaya ito ay isang tuldok lamang sa malaking paghahanda laban sa mga sakuna.”

Ayon kay Legarda, pag-aaralan pa ng senado at mga eksperto ang konsepto ng disaster risk insurance.

Ang isinagawang forum ay bahagi ng pagtalakay ng disaster management procedures, na una nang sinabi ni Senate President Franklin Drilon na isa sa top agenda ng senado ngayong 2014. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)

Displaying 6 Comments
Have Your Say
  1. what is insurance?for me to secure something to do or build is something very delicate.by doing or to build any infrastructure,i will follow all neccesary code or instruction and add more strength.i agree to have an insurance to replace the livelihood specially the poor and farmers.its nice to categorize insurance to protect the budget of the govt.

  2. lian says:

    pahalagahan natin ang disaster risk reduction dahil maaring ito ang magsalba sa atin sa mga susunod na sakuna.

  3. Ipo says:

    I know we can avoid disasters thru Sen Legarda’s program.

  4. Kulas says:

    naniniwala akong marami ang tulong na mabibigay ng disaster risk reduction sa atin para makaiwas sa sakuna, salamat na lang kay sen loren legarda/

  5. Paulo says:

    I trust Senator Legarda when it comes to disaster risk reduction, she knows what she’s doing.

  6. Yula says:

    Tama si Senator Legarda, kailangan pang pagaralan ang kahalagahan ng disaster risk reduction sa bansa, mabuti na lang at pursigido si Sen. Legarda sa Disaster risk reduction dahil nananiwala akong malaki ang maitutulong nito para sa atin.

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>