Published On: Fri, Jul 13th, 2012

John Regala, Kabilang na sa Grupong Ang Dating Daan

Ang sikat na aktor bilang kotrabida sa maraming pelikula na si John Regala isang paghahandog ng pasasalamat sa Dios kasama ang ilan sa mga kababayan nating nabautismuhan nitong Biyernes sa Members, Church of God International o mas kilala bilang Ang Dating Daan. (PHOTOVILLE International / Rovic Balunsay)

PAMPANGA, Philippines — Isa na ngayong bagong John Regala ang makikita ng publiko matapos itong tumanggap ng bautismo sa Church of God International  sa pamamatnugot ni Brother Eli Soriano. Ang grupo ay mas kilala sa pamamagitan ng programa nitong Ang Dating Daan (ADD). 

Matapos ang ilang panahong pagsusuri sa aral at pagsama ni Regala sa mga gawain ng ADD, nagpasya itong tuluyang talikuran ang dating kinaaanibang Iglesia ni Cristo.

Ayon sa aktor, malaki ang naitulong ng samahan sa kaniyang pagbabagong buhay. Katunayan, nais pa aniyang matutunan ang maraming pangangaral ni Brother Eli Soriano.

Si Regala ay kilalang action star at kontrabida ng industriya ng pelikulang Pilipino. Kasama na ngayon ni Regala ang ilan pang aktor na naniniwala sa mabuting aral at adhikain ng ADD na sina Zoren, Brando, at Kier Legaspi, Dinky Doo, William Martinez, at iba pa.