Jessica Sanchez, Binati ng Pinoy Fans sa Kanyang Nalalapit na Kaarawan

Ang Fil-Mexican na First Runner-Up ng American Idol Season 11 na si Jessica Sanchez sa isang fans day via the internet. (UNTV News)
MANDALUYONG, Philippines – Binati na ng kaniyang Pinoy fans si American Idol Season 11 Runner-Up Jessica Sanchez sa kanyang nalalapit na kaarawan sa ika-apat ng Agosto.
Nakasalamuha ng Fil-Mexican Singer ang kanyang fans sa pamamagitan ng Skype na makikita sa isang malaking LED screen. Labis ang kasiyahan ni Jessica sa naturang Skype Party at nagpahayag ng matinding excitement sa pagpunta nito sa Pilipinas.
“I’m definitely excited to see what’s going in the Philippines…September 21st, the Idol Tour so I’m definitely excited for that, too.”
Ibinahagi rin ng American Idol runner-up ang ilang gagawin nito sa nakatakdang “Idol Tour” sa Setyembre.
“Definitely, a lot of dancing, a lot of, you know, getting the crowd up and just clap with us.”
Nagbigay din ng payo si Jessica sa mga aspiring Filipino singer na nangangarap maging katulad niya.
“I’ve never even thought that this just going to happen to me, I just followed my dreams and I didn’t let anybody getting away of it and don’t let anybody bring me down.” (Ito ang Balita ni Adjes Carreon/Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments