JBC, Handa na sa gagawing Public Interview sa mga nominado sa pagka-Chief Justice sa Hulyo 24
Manila, Philippines – Handa na ang Judicial and Bar Council (JBC) sa isasagawang public interview sa 22 nominado sa posisyon ng punong mahistrado.
Ito ang inihayag ni Associate Justice Diosdado Peralta na siya ring tumatayong acting chairman ng JBC, matapos ang isinagawang dry run sa division hearing room ng Korte Suprema.
Aprubado rin sa acting chairman ang set-up ng mga camera ng media division hearing room kung saan isasagawa ang public interview simula Martes, Hulyo 24.
Sinabi pa ni Peralta na hindi nila hahayaang makaramdam ng kaba ang mga nominado.
Magsisilbi namang holding area ang dignitaries lounge na katapat lang ng division hearing room. (UNTV News)














Recent Comments