Published On: Fri, Oct 12th, 2012

Ilang Senador, Hindi Kuntento sa Committee Report ni Senador Ralph Recto

FILE PHOTO: Senator Ralph Recto (UNTV News)

MANILA, Philippines — Hindi kuntento ang ilang senador sa report ng Senate Committee on Ways and Means ukol sa Sin Tax Reform bill.

Ayon kay Senador Serge Osmeña III, masusubok ang naturang bill pagdating nito sa period of interpellation. Dapat aniyang nakabatay sa World Trade Organization requirement ang nasabing committee report para maging patas sa lahat.

“I’m very dissatisfied with that, I was hoping that the Senate will reinforce the need for the national government to collect higher revenues.”

Ayon naman kay Senador Edgardo Angara, kailangan muling repasuhin ang nasabing bill lalo’t nakikitang mababa ang revenue collection sa Senate version.

“Kailangan i-rebyu natin dahil ang unang comment bakit yung house be the mother of revenue bills ang kanilang recommendation will  yield the treasury some P35 billion bakit dito sa senate eh nabawasan ng P10 billion.”

Tinawag naman ni senadora Miriam Defensor-Santiago na “the death star bill” ang bersyon ni senador Recto na tila pumapabor sa mga malalaking industriya ng tabako at alcohol products.

Si Santiago ang may-akda ng Senate Bill No. 3249, “an act restructuring the excise taxes on alcohol and tobacco products.”

Sa panukala ni Santiago, mag-aakyat ng P60 billion revenue collection ang gobyerno sa unang taon kumpara sa bersyon ni Recto na P15 billion lamang.

Ayon naman kay Senador Bongbong Marcos, maituturing aniyang makatwiran ang naturang committee report. Kailangan lamang aniya itong i-fine tune para maging patas sa lahat.

“I think it’s more rational approach, although sa palagay ko may kailangan pang i-fine tuning that can be done, and I already brought it up with Senator Recto.

Sa susunod na linggo ay sisimulan na ng senado ang period of interpellation sa Sin Tax Reform Bill matapos maipresenta sa plenaryo ang committee report noong Miyerkules. (Bryan De Paz & Ruth Navales, UNTV News)

Displaying 2 Comments
Have Your Say
  1. bong opon says:

    wala ng banganyan tulong tulong na ………merry christmas sa lahat ng mga pilipino sana lahat ng mga pag subok natin sa ating bansa ay kaya nating malutas sa pamamagitan ng sama sama at pag kakaisa,….GOD BLESS po Pilipino…..

  2. bong opon says:

    ang gusto ko lang sana lahat ng senador pumayag or mag pasa ng mas madaling resolostion na ang 13thmonth pay at ang 14thmonth ay free tax yan malaking or ang over time pay walang tax yon malaking tulong na yan sa aming mang gagawa……..samalamat po…..god bless sa senador at sa congressman executive and sa ating president….

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>