Ilang Lugar sa Cavite, Umabot Hanggang Dibdib ang Baha
Bacoor, Cavite – Ala-una pa lamang ng madaling araw kanina ay lubog na sa baha ang ilang lugar sa Bacoor, Cavite dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan.
Umabot hanggang dibdib ang tubig baha sa Barangay Ligas at F & E De Castro, dahil dito kinailangan nang gumamit ng rubber boats ang mga rescuer para mailikas ang mga residente.
Ayon sa ilang opisyal ng Barangay Ligas, hindi nila inaasahan ang ganitong pangyayari sa kanilang lugar.
Nalubog din sa baha ang ilang bahagi ng Cavite City, Ternate at Rosario.
Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 100 pamilya ang inilikas sa Bacoor, Cavite at patuloy pa itong nadaragdagan.
Tumulong na rin ang UNTV News and Rescue Team sa pag-rescue at paglikas sa mga naapektuhan ng pagbaha. (Ito ang Balita ni Randy Forastero/Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments