Published On: Thu, Jul 5th, 2012

iGoogle, aalisin na ng Google sa kanilang serbisyo

Aalisin na ng Google Co. ang isa sa mga kilalang produkto nila na iGoogle sa darating na Nobyembre, 2013.

Bagamat Kapaki-pakinabang ang “web feeds” ng iGoogle para  sa karamihang gumagamit, hindi na nakikita ng kompanyang Google ang ano pa mang benepisyo nito dahil sa paglabas na rin ng mas sikat nilang Google Chrome at Android. Dahil dito,  mas magkakaroon ng malaking kakayahan para pagbutihin ang mga maiiwang produkto.

Isa rin sa mga tatanggalin ng Google sa kanilang listahan ng mga serbisyo ay ang Google Video.

Sasaraduhan na ito ng tuluyan sa darating na Agosto a-20 at ililipat sa YouTube ang mga matitirang video at pribadong mapapanood na lang ng mga mayari.

Mauuna namang isara ang bersyon na mobile ng iGoogle sa darating na a-31 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Unang inilabas ang iGoogle noong taong 2005 at umabot sa 7 milyon ang gumamit nito noong taong 2008.