Published On: Mon, Feb 25th, 2013

Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013, nilagdaan na ni Pangulong Aquino

Ang Pangulong Benigno Aquino III sa Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 kasabay ng pagdiriwang ng 27th EDSA People Power Revolution. (Photo by: Robert Viñas / Malacañang Photo Bureau)

Si Pangulong Benigno Aquino III sa paglagda sa bagong batas na Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 kasabay ng pagdiriwang ng 27th EDSA People Power Revolution. (Photo by: Robert Viñas / Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Kasabay ng pagdiriwang ng ika-27 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong araw, nilagdaan na rin ni Pangulong Benigno Aquino III ang Human Rights Victims Reparation and Recognition Act of 2013 na nagbibigay kompensasyon sa mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng Martial Law.

Sa ilalim ng bagong batas, lahat ng nakulong, nakaranas ng torture, at maging ang mga pamilya ng biktima ng enforced disappearances mula noong Setyembre 21,1972 hanggang Pebrero 25,1986 ay mabibigyan ng kompensasyon.

Pahayag ng pangulo, “kaya nga po sa araw ding ito, nilagdaan natin ang Human Rights Victims Reparation Act of 2013 bilang pagkilala sa pagdurusang dinaanan ng napakarami noong Batas Militar, at upang ipakitang lumipas man ang henerasyon, hindi tayo panghihinaan ng loob sa pagtatama ng mga mali ng nakaraan.”

Ayon kay Commission on Human Rights (CHR) Chairperson Etta Rosales, kasama sa makatatanggap ng kompensasyon ang Hawaii class suit victims.

“The act of the government to provide all victims of human rights violation a compensation or reparation meaning to say it’s not just compensation, it can include non monetary benefits.”

Sampung bilyong piso ang nakalaang pondo para sa mga human rights victim. Ang pondo ay mula sa ill-gotten wealth ng pamilya Marcos na na-recover mula sa Swiss bank.

Bubuo naman ng compensation board ang pamahalaan para alamin kung sino-sino ang mga biktimang tatanggap ng kompensasyon at kung magkano ang halagang ibibigay sa kanila. (Grace Casin & Ruth Navales, UNTV News)

  • JP007

    ay naku sa wakas na aprobahan narin